GMA Logo Jillian Ward and Kazel Kinouchi
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Miss APEX 2022, trending pa rin sa social media

By EJ Chua
Published November 28, 2022 1:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mayon Volcano lava flow seen —PHIVOLCS
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed
Daig Kayo Ng Lola Ko: Download Mommy (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward and Kazel Kinouchi


Taas-kamay ng mga tumutok sa pasiklaban nina Dra. Analyn at Dra. Zoey!

Bukod sa previous episodes ng hit GMA inspirational-medical series na Abot-Kamay Na Pangarap na patuloy na humahakot ng million views, patuloy ring pinag-uusapan sa social media ang latest episodes ng serye.

Noong nakaraang linggo, napanood sa programa ang labanan ng ganda, talino, at talento ng mga doktor sa APEX Medical Hospital.

Ang viewers at fans ng serye, talaga namang pinag-usapan ang katatapos lang na pageant kung saan sumali ang genius doctor na si Dra. Analyn Santos (Jillian Ward) at ang bully doctor na si Dra. Zoey Tanyag (Kazel Kinouchi).

Sa katunayan nga, ang videos na tungkol sa event ay patuloy na humahakot ng daan-daan at milyun-milyong views ngayon sa social media.

Isa na rito ang eksena kung saan inanunsyo na ang winners sa beauty pageant.

Sa kasalukuyan, mayroon na itong 3.6 million views ngayon sa Facebook ng GMA Network.

Samantala, ang ilang netizens, hindi na naitago ang lungkot na kanilang naramdaman sa pagkatalo ni Dra. Analyn. Ngunit ang iba naman, tinanggap na ang pagkapanalo ni Dra. Zoey bilang Miss APEX 2022.

Napanood noong Sabado, November 26, ang coronation night para sa naturang beauty pageant.

Sa mismong event, napakaraming nangyari na talaga naming nagpasaya, nagpaiyak, at nagpagigil sa mga manonood.

Panoorin sa videos na ito ang mga naging kaganapan sa katatapos lang na Miss APEX 2022:

Abangan pa ang exciting na episodes na mapapanood sa hit Kapuso serye!

Patuloy na subaybayan ang Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa via Kapuso livestream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito.

SILIPIN ANG BEHIND THE SCENES NG MISS APEX 2022 CORONATION NIGHT SA GALLERY SA IBABA: