GMA Logo Pinky Amador Jillian Ward and Kazel Kinouchi
Courtesy: GMA Network
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Moira at Zoey, guguluhin na naman si Analyn

By EJ Chua
Published August 17, 2023 12:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Korean stars Kim Myung Soo, Choi Bo Min named PH tourism ambassadors
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City
Isay band shines as first-ever Distilled Sounds PH champion

Article Inside Page


Showbiz News

Pinky Amador Jillian Ward and Kazel Kinouchi


Ano kaya ang bagong kalokohan na gagawin nina Moira at Zoey kay Analyn? Abangan sa #AbotKamayNaPangarap!

May panibagong kalokohan na naman ang mag-inang sina Moira at Zoey sa GMA medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Ang gumaganap bilang salbaheng mag-ina na sina Moira at Zoey ay ang mga aktres na sina Pinky Amador at Kazel Kinouchi.

Habang ine-enjoy ni Analyn (Jillian Ward) ang moments nila ng kanyang tunay na ama na si Doc RJ (Richard Yap), muli naman siyang guguluhin ng pamilya ng huli.

Ngayong Huwebes, August 17, sa bagong episode ng serye, kaabang-abang ang mga eksena, kung saan mahuhuli ng mag-ina na muling nagkakausap sina Doc RJ at Analyn.

Si Zoey pa mismo ang makakatuklas na mayroon na ulit koneksyon ang mag-ama.

Dahil dito, tila hindi papayag sina Moira at Zoey na magpatuloy ang kasiyahang nararamdaman ng batang doktor.

Iimbitahan nila si Analyn sa isang dinner date ngunit hindi si Doc RJ ang makikipagkita rito kundi si Moira.

Anu-ano pa kaya ang susunod na mangyayari sa buhay ni Analyn?

Narito ang ilang pasilip sa episode na ipapalabas mamaya:

Patuloy na subaybayan ang Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: