GMA Logo Pinky Amador as Moira in Abot Kamay Na Pangarap
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Moira, hihingi ng tulong sa loob ng bilangguan

By EJ Chua
Published February 6, 2024 2:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Saan nagmula ang Easter egg hunting? | GMA News Feed
Healers, herbalists gather in Siquijor anew for healing festival

Article Inside Page


Showbiz News

Pinky Amador as Moira in Abot Kamay Na Pangarap


Handa kaya si Moira sa magiging kapalit ng paghingi niya ng tulong? Abangan sa 'Abot-Kamay Na Pangarap' live today.

Kahit nasa loob na ng kulungan, tila wala pa ring balak si Moira na tigilan ang paggawa ng kasamaan at mga kalokohan.

Sa bagong episode ng hit GMA series na Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood ang ilan pang mga eksena ni Pinky Amador sa serye bilang si Moira.

Sa Abot-Kamay Na Pangarap live today, February 6, 2024, may pahapyaw na sa ilang eksena, kung saan susubukan ni Moira na humingi ng tulong sa mga kasama niya sa loob ng kulungan.

Ito ay upang makalabas siya kaagad ng bilangguan at magawa ang mga masasamang binabalak niya laban sa Tanyag family, lalo na kina Lyneth (Carmina Villarroel) at Analyn (Jillian Ward).

Handa ba si Moira sa magiging kapalit ng kanyang kahilingan?

Ano kaya ang susunod na mangyayari sa kanya?

Samantala, sa previous episodes ng serye, natunghayan na nahihirapan si Moira na kumilos sa loob ng kulungan dahil sa panggugulo sa kanya ni Madam Lotus (Jackie Lou Blanco).

Silipin ang ilang eksenang mapapanood ngayong Martes ng hapon sa video sa ibaba:


Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye tuwing hapon, ang Abot-Kamay Na Pangarap.

Mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: www.gmanetwork.com/entertainment/tv/abot_kamay_na_pangarap/home/