GMA Logo Carmina Villarroel and Pinky Amador
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Moira, ilang beses napahiya sa photoshoot

By EJ Chua
Published June 22, 2023 6:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SONA 2026: Commonwealth vendors, supporters tune in with hopes for economy, accountability
SEVENTEEN's Vernon, DK to start military service in August and September
LIVE - SONA 2026-Pres. Bongbong Marcos' 5th State of the Nation Address (July 27) | GMA Regional TV

Article Inside Page


Showbiz News

Carmina Villarroel and Pinky Amador


Ano kaya ang mga nangyari sa photoshoot nina Lyneth at Moira sa #AbotKamayNaPangarap? Balikan DITO:

Sa katatapos lang na episode ng Abot-Kamay Na Pangarap na may hashtag na #Photoshoot, napanood ang muling pagkikita nina Lyneth (Carmina Villarroel) at Moira (Pinky Amador).

Matapos magkasama sa isang event, nagkita naman para sa isang photoshoot sina Lyneth at Moira.

Ang naturang photoshoot ay para raw sa isang digital feature, kung saan pipili rin ng larawan na ilalagay sa cover nito.

Unang dumating si Moira sa photo studio at labis na nagtaka ang mga tao roon dahil iba ang kulay ng gown ni Moira.

Hindi pa man nagsisimula ang photoshoot ay napahiya na agad si Moira dahil malayo sa tema ng pictorial ang kanyang look.

Kasunod nito, agad namang napansin ng lahat si Lyneth nang dumating na ito sa studio.

Inakala ni Moira na sa kanya nakatingin ang lahat, ngunit ang totoo ay ang kagandahan ni Lyneth ang kanilang pinupuri.

Dahil dito, muli na namang napahiya si Moira.

Nang malaman naman niya na si Lyneth ang napili ng team para i-feature sa cover ng kanilang proyekto, galit na galit na sinugod ni Moira ang huli.

Nang agawin niya ang hawak nitong props, napahiga si Moira sa loob ng studio at napahiya na naman siya.

Tawang-tawa naman si Tiyang Susan (Dexter Doria) sa nangyari kay Moira at kinuhanan pa niya ito ng video.

Panoorin ang eksenang ito:

Abangan ang susunod na mga tagpo sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:

SILIPIN ANG GIGIL MOMENTS NINA LYNETH AT MOIRA SA GALLERY SA IBABA: