
Kasabay ng patuloy na pag-trend ng GMA series na Abot-Kamay Na Pangarap, nagpapatuloy din ang kasamaan ni Moira (Pinky Amador).
Dahil hindi na mapakali si Zoey (Kazel Kinouchi), nagsimula na siyang gumawa ng paraan kung paano niya mahahanap ang kanyang tunay na ama.
Isang araw, nagulat si Moira nang puntahan siya ng kanyang anak upang tanungin kung Carlos Benitez ba ang pangalan ng kanyang ama.
Kahit 'yun nga ang katotohanan, itinanggi pa rin ito ni Moira at patuloy siyang nagsisinungaling sa kanyang anak.
Nang hindi makakuha ng maayos na sagot si Zoey sa kaniyang ina, pinagbantaan niya ito na ipagsasabi niya ang lahat ng kasinungalingan ng kanilang pamilya.
Dahil dito, labis na kinabahan si Moira at agad siyang gumawa ng paraan upang makausap si Doc Carlos, ang tunay na ama ni Zoey na itinuring ni Doc RJ na isang kaibigan.
Agad na ipinaliwanag ni Moira sa doktor ang sitwasyon nilang mag-ina at sinabi niya rito ang katotohanan na siya ang ama ng kanyang anak na si Zoey.
Nang marinig ito ni Doc Carlos, tila hindi siya makapaniwala na mayroon pala siyang naging anak kay Moira.
Papayag kaya siya sa pakiusap ni Moira na magpakilala siya kay Zoey?
Samantala, ang aktor na si Allen Dizon ang gumaganap bilang si Doc Carlos Benitez, ang tunay na ama ni Zoey sa serye.
Panoorin ang eksenang ito:
Patuloy na tumutok sa hit GMA inspirational-medical drama series na mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang programa via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito.
BALIKAN ANG ILANG NAG-VIRAL NA EKSENA NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: