
Mas kaabang-abang pang mga eksena ang mapapanood sa hit GMA series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Sa nakaraang episode ng serye, natunghayan na nahuli na si Moira, na ginagampanan ni Pinky Amador.
Nahuli ng mga pulis si nang makipagkita siya sa kanyang anak na si Zoey (Kazel Kinouchi).
Sa tulong ng airtag na nilagay ni Analyn (Jillian Ward) sa bag ni Zoey nalaman ng una at nina Doc RJ (Richard Yap), Lyneth (Carmina Villarroel), at Doc Lyndon (Ken Chan) na nagkikita nga ang mag-ina sa Japan.
Sa bagong episode na mapapanood ngayong Martes, January 30, 2024, mapapasakamay na ng mga pulis sa Pilipinas si Moira.
Mapapanood din ang intense na paghaharap nina Giselle (Dina Bonnevie) at Moira habang nakaposas na ang huli.
Diretso na nga ba sa bilangguan si Moira?
Silipin ang ilang eksenang mapapanood ngayong Martes ng hapon sa video sa ibaba:
Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye tuwing hapon, ang Abot-Kamay Na Pangarap.
Mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: