GMA Logo abot kamay na pangarap
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Moira, sinasagad ang pasensya ng batang doktor na si Dra. Analyn

Published January 17, 2023 2:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Volleyball Tournament - March 22, 2026 | NCAA Season 101
4 ash emissions logged at Kanlaon Volcano in 8 hours

Article Inside Page


Showbiz News

abot kamay na pangarap


Moira, ano na naman ang ginawa mo laban kay Dra. Analyn? #AbotKamayNaPangarap

Sa pagpapatuloy ng GMA inspirational-medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap, tila sinasagad ni Moira (Pinky Amador) ang pasensya ng genius at batang doktor na si Dra. Analyn (Jillian Ward).

Isang araw, isang kamag-anak ng pasyente sa APEX Medical Hospital ang lumapit kay Dra. Analyn para sabihin na willing ang kanilang kaanak na maging kidney donor ni Jewel (Cassy Legaspi).

Nang malaman ito ng batang doktor, bigla namang umeksena si Moira at pinagbintangan itong nanghihingi ng kidney sa mga pasyente sa ospital.

Kasunod nito, gumawa na naman ng isang masamang bagay si Moira upang harangin ang magandang plano ni Dra. Analyn para sa kaniyang pasyente na mayroong Stage 5 Chronic Kidney Disease.

Habang nagsasaya na ang pamilya ni Jewel, nagulat si Dra. Analyn nang biglang umatras ang donor sana ng kaniyang pasyente.

Labis siyang nagtaka at hindi siya papayag na maudlot ang kidney transplant ni Jewel.

Sa tulong ni Reagan (Jeff Moses), nalaman ng batang doktor na tila may kakaibang ginawa si Moira tungkol sa isyu.

Matutuloy pa kaya ang operasyon kahit na umeeksena si Moira?

Ano kaya ang gagawin ni Dra. Analyn para matulungan si Jewel?

Samantala, panoorin ang full episode na ito na ipinalabas kahapon:

Huwag palampasin ang mga susunod na kapana-panabik na eksena sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa via Kapuso livestream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye dito.

SAMANTALA, KILALANIN ANG ILANG CELEBRITIES NA NAPANOOD AT MAPAPANOOD BILANG GUEST ACTORS SA ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: