
Sa bagong episode na mapapanood ngayong Martes, April 18, sa GMA's top-rating series na Abot-Kamay Na Pangarap, matutunghayan kung ano ang mangyayari matapos makita ni Analyn (Jillian Ward) ang holdaper (Ryan Eigenmann) na nakapatay kay Cromwell (Ariel Villasanta).
Nang magtungo sina Lyneth at Analyn (Carmina Villarroel at Jillian Ward) sa police station, nakumpirma ng una ang itsura ng naturang kriminal.
Dahil mabilis na natukoy ni Lyneth ang pagkakakilanlan ng lalaki, mayroon nang ideya ang mga pulis kung sino ang kanilang dapat hanapin at hulihin.
Kasunod nito, habang naglalakad si Analyn, nakita ng batang doktor ang sinasabi ng kanyang nanay na lalaking naging dahilan ng pagpanaw ni Cromwell.
Dahil dumaan mismo ang lalaki malapit sa kanya, sigurado siyang 'yun nga ang tinutukoy ng kanyang ina.
Agad na tumawag sa mga pulis si Analyn para magbigay ng impormasyon kung saan niya nakita ang holdaper at sinabi niyang kailangan nilang pumunta sa kanyang kinaroroonan para maabutan pa nila ito.
Sa episode na mapapanood mamaya, kaabang-abang kung paano mahuhuli ang lalaki at kung ano ang susunod na mangyayari sa kanya.
Hindi rin dapat palampasin ang ilang eksena ni Josa (Wilma Doesnt) habang patuloy siyang nagluluksa sa pagkawala ng kanyang asawa.
Samantala, panoorin ang latest episode ng serye:
Mabibigyan na kaya ng hustisya ang nangyari kay Mang Cromwell? Ano kaya ang gagawin ni Analyn kapag muli niyang nakatagpo ang holdaper? Magkakaayos pa kaya sina Lyneth at Josa?
Abangan ang mga kasagutan sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:
SILIPIN ANG SET NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: