GMA Logo Jillian Ward and Richard Yap
What's on TV

'Abot-Kamay Na Pangarap,' napapanatili ang mataas na ratings

By EJ Chua
Published March 15, 2023 11:34 AM PHT

Around GMA

Around GMA

BI warns Filipinos about new stock market scam
Suspect in Cotabato grenade attack killed in hot pursuit
DOT issues statement after Secretary Cristina Frasco's magazine cover goes viral

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward and Richard Yap


Hit GMA series na 'Abot-Kamay Na Pangarap,' abot na abot ang puso ng bawat manonood!

Mula sa kauna-unahang episode hanggang sa kasalukuyan, patuloy na nakakakuha ng mataas na ratings ang GMA inspirational-medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Nito lamang Lunes, March 13, 2023, sa episode ng serye na may hashtag na #GumisingKa, nakakuha ito ng 9.2 percent na ratings, ayon sa tala ng NUTAM People Ratings (Nielsen Phils. TAM).

Natunghayan sa katatapos lang na episode ang paggising ni Doc RJ Tanyag (Richard Yap) mula sa matagal na panahon na pagka-comatose.

Siya ay na-comatose noon matapos siyang itulak ni Moira (Pinky Amador) sa hagdan ng isang restaurant habang sila ay nagtatalo.

Ginawa ito ni Moira dahil takot na takot siya nang malaman na ni Doc RJ ang sikretong napakatagal niyang itinago tungkol sa tunay na ama ni Zoey (Kazel Kinouchi).

Ang seryeng ito ay pinagbibidahan nina Carmina Villarroel at Jillian Ward.

Napapanood sila sa naturang programa bilang kahanga-hangang mag-ina na sina Lyneth at Analyn.

Samantala, kapansin-pansin na patuloy na hook na hook ang mga manonood sa serye dahil sa mga makabagbag damdamin at matitinding mga eksena na nagte-trending sa social media.

Kabilang na rito ang catfight scenes nina Analyn at Zoey, father-daughter moments nina Doc RJ at Analyn, at marami pang iba.

Huwag palampasin ang susunod pang mga pasabog na eksena sa pinag-uusapang medical drama series, mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:

BALIKAN ANG ILANG NAG-VIRAL NA EKSENA NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: