
Mas tumitinding mga eksena ang matutunghayan sa pagpapatuloy ng GMA's top-rating medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Sa previous episodes ng serye, nalaman ni Doc RJ (Richard Yap) na si Moira (Pinky Amador) ang may kasalanan kung bakit siya nahulog noon sa hagdan.
Kasunod nito, agad na tumakas si Moira upang hindi siya mapaamin ng kanyang asawa tungkol sa kanyang ginawa.
Natunghayan din na tinutulungan ng mag-inang Lyneth (Carmina Villarroel) at Analyn (Jillian Ward) si Doc RJ sa paghahanap kay Moira.
Sa bagong episode ng afternoon series, kaabang-abang kung paano mako-corner si Moira.
Tila wala na siyang kawala kay Doc RJ.
Tampok din sa bagong episode kung ano ang aaminin ni Moira.
Ibunyag na kaya ni Moira na si Zoey (Kazel Kinouchi) ay hindi tunay na anak ni Doc RJ?
Ano pa kaya ang mga mangyayari?
Narito ang ilang pasilip sa episode na ipapalabas ngayong Biyernes, October 6:
Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye na Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: