GMA Logo Pinky Amador and Carmina Villarroel
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Pagkompronta ni Moira kay Lyneth, mamaya na!

By EJ Chua
Published December 23, 2022 11:40 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP arrests Atong Ang co-accused in missing sabungeros case in Batangas
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

Pinky Amador and Carmina Villarroel


Ano kaya ang gagawin ni Moira ngayong alam na niya na si Lyneth at Tisay ay iisa? Abangan!

Ngayong Biyernes sa hit GMA inspirational-medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap, kaabang-abang ang mga eksenang muling magpapaiyak at labis na magpapagigil sa mga manonood.

Dahil alam na ni Moira (Pinky Amador) ang buong katotohanan na anak ng kaniyang asawa si Dra. Analyn (Jillian Ward) at si Lyneth (Carmina Villarroel) ang Tisay na matagal na niyang hinahanap, tila hindi na niya mapipigilang komprontahin ang babaeng itinuring niyang kaibigan noon.

Matapos iligtas ni Doc RJ (Richard Yap) ang kaniyang anak na si Analyn, tila si Lyneth ang hindi makakaligtas sa galit na nararamdaman ni Moira dahil sa kaniyang nalaman.

Sa loob ng matagal na panahon, itinago ni Lyneth sa kaniya ang tungkol sa kanila ni Doc RJ at nalaman lang ni Moira ang lahat nang marinig niya ang kaniyang asawa na sinabi ng mga pulis na anak niya ang genius doctor na si Analyn.

Buong akala niya ay nasa ibang bansa ang babae ni Doc RJ.

Labis na nasaktan si Moira dahil hindi niya inaasahan ang mga pangyayaring ito at wala rin siyang kaalam-alam na mayroon pa lang naging anak ang kaniyang asawa sa ibang babae.

Dahil sa mga nangyari, muli niyang naalala ang lahat ng kaniyang mga pinagdaanan, pati na rin ang mga oras na itinuturing niya pang matalik na kaibigan si Lyneth.

Ngayong tapos na ang paghihinala ni Moira dahil nabunyag na ang sikreto nina Doc RJ at Lyneth, ano kaya ang kaniyang susunod na gagawin?

Makikinig pa kaya si Moira sa mga paliwanag ni Lyneth?

Malalaman na kaya ni Zoey ang tungkol sa tunay na koneksyon nila ni Analyn?

Ano kaya ang masamang pinaplano ni Moira laban kay Lyneth?

Panoorin sa video na ito ang ilang pasilip sa mga eksenang ipapalabas mamaya:

Samantala, balikan ang eksena kung paano nalaman ni Moira ang sikreto ni Doc RJ sa video na ito:

Abangan ang mas matitinding tagpo sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa via Kapuso livestream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye dito.

KILALANIN ANG ABOT-KAMAY NA PANGARAP STAR NA SI KAZEL KINOUCHI SA GALLERY SA IBABA: