GMA Logo Jillian Ward and Kazel Kinouchi
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Patalbugan ng swimwear scene, may 6.5 million views na sa Facebook!

By EJ Chua
Published December 6, 2022 12:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Julie Anne San Jose, Rayver Cruz to serve as Clash Masters in new 'The Clash Teens'
Boy's elbow dislocated in bullying incident in Bugasong, Antique
In Focus: Chavit Singson (Teaser pt. 1)

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward and Kazel Kinouchi


Tila patok sa netizens ang patalbugan ng swimwear nina Dra. Analyn at Dra. Zoey dahil nag-trending ito sa Facebook!

Tila literal na painit nang painit ang mga eksena sa hit GMA inspirational-medical series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Kasalukuyan kasing ipinapalabas ang mga eksena ng outing ng APEX Team, kung saan napapanood ang APEX doctors at iba pa nilang kasama sa bakasyon habang suot ang kanilang mga swimwear.

Sa nakaraang episode ng serye, napanood kung paano nagpatalbugan sa kaseksihan sina Dra. Analyn (Jillian Ward) at Dra. Zoey (Kazel Kinouchi).

Unang ipinakita ni Zoey ang kaniyang pool-ready body, habang si Analyn naman ay hindi sinasadyang mai-flex ang kaniyang swimwear dahil sa pangti-trip sa kaniya ng kaibigan niyang nurse na si Evan (Alchris Lagura).

Ang video tungkol sa nasabing eksena, mayroon na ngayong 6.5 million views sa official Facebook page ng GMA Network at GMA Drama.

Bukod dito, patuloy ding humahakot ng million views ang previous episodes ng serye.

Isa na rito ang mga eksena sa katatapos lang na beauty pageant na Miss APEX 2022.

Samantala, sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 1 billion views ang mga videos ng programa sa video-sharing app na TikTok.

Abangan pa ang susunod na exciting episodes na mapapanood sa hit Kapuso serye!

Patuloy na subaybayan ang Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa via Kapuso livestream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye dito.

SILIPIN ANG BEHIND THE SCENES NG MISS APEX 2022 CORONATION NIGHT SA GALLERY SA IBABA: