GMA Logo Jeff Moses Raheel Bhyria Michael Sager Jillian Ward
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Reagan, Harry, at Miko, to the rescue para kay Doc Analyn

By EJ Chua
Published August 26, 2023 2:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Side-hustling Pinoys bring artists to Dubai for the holiday season
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Jeff Moses Raheel Bhyria Michael Sager Jillian Ward


Mapapasugod na sa hotel ang mga manliligaw ni Doc Analyn. Abangan sa #AbotKamayNaPangarap.

To the rescue na ang mga manliligaw ni Doc Analyn (Jillian Ward) para hanapin at iligtas ang huli.

Ngayong Sabado, August 26, sa GMA's top-rating series na Abot-Kamay Na Pangarap, matutunghayan na pupunta na sina Reagan (Jeff Moses), Harry (Raheel Bhyria), at Miko (Michael Sager) sa hotel kung saan na-trap si Doc Analyn.

Dahil hindi na mapalagay ang isip ng tatlong binata, magtutulong-tulong sila para sa batang doktor.

Maaabutan nila sa labas ng hotel sina Madam Giselle (Dina Bonnevie) at Tyang Susan (Dexter Doria).

Sina Madam Giselle at Tyang Susan ay patuloy na naghihintay na makalabas si Doc Analyn at ang iba pang aksidenteng nakulong sa loob ng gusali dahil sa 6.5 na lindol.

Kaabang-abang kung paano susubukan nina Reagan, Harry, at Miko na iligtas si Doc Analyn.

Samantala, habang nag-aalala ang tatlong binata, ipagpapatuloy naman ni Doc Analyn ang pagtulong sa mga taong nasaktan at napuruhan dahil sa lindol.

Hindi dapat palampasin ng mga manonood kung ano ang mangyayari kay Doc RJ (Richard Yap) habang sinusubukan ni Lyneth (Carmina Villarroel) na humingi ng tulong para makalabas sila sa isang silid kung saan sila aksidenteng nakulong.

Narito ang ilang pasilip sa episode na ipapalabas mamaya:

Patuloy na subaybayan ang Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: