GMA Logo Pinky Amador and Richard Yap
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: RJ's final warning to Moira

By EJ Chua
Published January 9, 2023 6:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Gabbi Garcia, Khalil Ramos to star in Ben&Ben’s ‘Duyan’ MV
P44M alleged smuggled cigarettes seized off Davao de Oro
NLEX to increase toll fees starting January 20

Article Inside Page


Showbiz News

Pinky Amador and Richard Yap


Matatakot na kaya si Moira na guluhin pa ang mag-inang Lyneth at Analyn?

Sa hit Kapuso series na Abot-Kamay Na Pangarap, mas ramdam na ni Moira ang galit ng APEX medical director at kaniyang asawa na si Doc RJ (Richard Yap).

Matapos ipagpilitan ni Moira na nagnakaw ng controlled drugs si Dra. Analyn Santos (Jillian Ward), agad na sumugod sa ospital si Lyneth (Carmina Villarroel) para komprontahin si Moira dahil sa ginawa nito sa kaniyang anak.

Nang malaman ni Doc RJ ang lahat ng ginawa ni Moira kay Dra. Analyn, agad niya itong kinausap at tila nanggigigil na ito sa galit.

Kahit may usapan na ang dalawa tungkol sa isyu, tila hindi pa rin tumutupad si Moira at habang tumatagal ay mas pinag-iinitan pa nito ang batang doktor.

Dahil sa sobrang galit, pinagbantaan na ni Doc RJ si Moira na kapag may ginawa pa ito sa mag-inang Lyneth at Analyn ay tuluyan na niyang iiwan ito.

Tila wala nang pakialam si Doc RJ na malaman ng lahat ang tungkol sa tunay nilang koneksyon nina Lyneth at Analyn.

Ang pinakagusto na lamang niyang mangyari ay maprotektahan ang mga taong mahal niya at labis na mahalaga sa kaniya.

Tutupad na kaya si Moira sa kanilang kasunduan o ipagpapatuloy niya pa rin ang panggugulo kina Lyneth at Analyn?

May pag-asa pa kayang magkaayos ang dating magkaibigan na sina Moira at Lyneth?

Panoorin ang eksenang ito:

Abangan ang mga susunod na kapana-panabik na eksena sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa via Kapuso livestream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye dito.

SAMANTALA, SILIPIN ANG MOST MEMORABLE FATHER-DAUGHTER MOMENTS NINA DOC RJ AT ANALYN SA GALLERY SA IBABA: