
Welcome na welcome sa cast ng Abot-Kamay Na Pangarap ang veteran actress na si Pilar Pilapil.
Si Pilar ay kasalukuyang napapanood sa serye bilang si Madam Chantal, ang ina ni Moira (Pinky Amador).
Sa Chika Minute report na ipinalabas sa 24 Oras nito lamang June 19, nagbigay ng pahayag ang isa sa mga sa aktor sa serye na si Ken Chan, na kilala bilang si Doc Lyndon.
Inilarawan ni Ken ang bagong kontrabida na si Pilar.
Ayon sa kanya, mukha lang umanong mataray at intimidating si Pilar pero maraming nakatutuwang ugali ang veteran actress.
Pahayag ng Sparkle actor tungkol kay Pilar, “She's so lovable. Sobrang loving din niya, nakakatuwa siya. I love her, we love her.”
Samantala, pumasok si Pilar sa serye matapos mawala ni Moira, ang karakter ni Pinky Amador.
Pahapyaw naman ni Ken tungkol kay Pinky, “Nami-miss namin si Tita Pinky and we're very happy for her. Nagagawa niya 'yung isa sa mga love niyang gawin.”
“There's magic with her. Kaiinisan mo siya, pero mamahalin mo siya,” paglalarawan ng aktor kay Pinky.
Kasalukuyang nasa Singapore ang seasoned actress para sa pagganap niya sa Edward Albee's 1962 stage play na "Who's Afraid of Virginia Woolf?".
Patuloy na tumutok sa Abot-Kamay Na Pangarap, ang seryeng pinagbibidahan nina Jillian Ward at Carmina Villarroel.
Mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: