
Ipinagdiriwang ng Abot-Kamay Na Pangarap actress na si Pinky Amador ang kanyang 58th birthday ngayong Huwebes, March 14, 2024.
Sa Instagram, nakatanggap ng pagbati si Pinky mula sa kanyang co-stars sa serye.
Kabilang sa mga nagpaabot ng birthday greeting at message para sa aktres ay ang lead star na si Carmina Villarroel na napapanood bilang si Lyneth.
Pagbati ni Carmina kay Pinky, “Happy birthday ate @pinkyamador [cake emoji]. Enjoy your vacation [heart emoji] labyu.”
Sagot naman ng huli sa una, “Labs you! Thank you. Mwah [kiss emoji].”
Sulat niya, “Happy Birthday Ninang! Love you @pinkyamador [heart emojis].”
Si Che ay napapanood sa serye bilang si Dra. Katie Enriquez, isa sa mga doktor sa Eastridge Medical Hospital. Siya rin ay inaanak ng karakter ni Pinky na si Moira Tanyag sa serye.
Samantala, patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye tuwing hapon, ang Abot-Kamay Na Pangarap.
Mapapanood ito ngayong Huwebes, 2:15 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: