
Bago ang nalalapit na pagpapalabas ng GMA drama series na Abot Kamay Na Pangarap, inilahad ng ilan sa cast ng serye ang tungkol sa kanilang bucket list o ang ilan pang mga bagay na kanilang pinapangarap.
Ayon sa lead star na si Carmina Villarroel, gusto raw niyang mag-travel pa kasama ang kaniyang pamilya at magkaroon ng iba pang challenging roles bilang isang aktres.
Pagbabahagi niya, “Siguro to travel again, more travel siguro with my family. I want to create more memories with my kids and husband. Siguro 'yun lang kasi 'yung mapapabaon sa kanila kasi iba eh, dala dala mo na 'yun hanggang sa pagtanda mo… To keep doing more shows and more movies na very inspiring, saka 'yung macha-challenge pa ako. Basta, I want to do more challenging roles… 'yung mga hindi ko pa nagagawa in the past.”
Mapapanood si Carmina sa bagong drama series bilang si Lyneth, ang mother ni Analyn (Jillian Ward).
Para naman kay Jillian Ward, “More time po with my family, makapag-travel po kasama sila. Gusto ko rin po talagang mag-start na ang music career ko, and sa businesses din po namin, sa pag-arte ko po... Ang goal ko po… na tumanda po ako sa showbiz…”
Si Jillian Ward ang gaganap sa serye bilang si Analyn Santos, ang henyo at mapagmahal na anak ni Lyneth.
Pagbabahagi naman ni Richard Yap, “Mine is really to continue whatever I've started, especially 'yung businesses that I have so that I can pass them on to my children… and just doing the best at whatever we are doing, especially in my career and personal life.”
Makikilala si Richard sa bagong programa bilang si Dr. Robert “RJ” Tanyag, ang doktor na tinitingala ng marami dahil na rin sa dedikasyon nito sa kaniyang trabaho.
Abangan ang pagsisimula ng Abot Kamay Na Pangarap, ngayong Lunes na, September 5, sa GMA Afternoon Prime.
SAMANTALA, SILIPIN ANG SET NG ABOT KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY NA ITO: