
Kasunod ng world premiere ng Abot Kamay Na Pangarap na ipinalabas ngayong araw, September 5, nag-trending sa social media ang bagong GMA drama series.
Sunud-sunod na bumuhos ang positive comments mula sa viewers na tumutok sa pilot episode ng naturang inspirational drama.
Sa Facebook, naging usap-usapan ang pagbabalik ni Jillian sa GMA Afternoon Prime pati na rin ang kaniyang role bilang si Analyn.
Ayon naman sa netizen na si Antonio Amora, wala raw kupas ang husay ni Carmina Villarroel sa pag-arte.
Naging maingay din kaagad ang karakter ng chinito actor na si Richard Yap na gumaganap bilang si Dr. Roberto “RJ” Tanyag, ang lalaking hindi pinanagutan ang ginawa niya kay Lyneth (Carmina Villarroel).
Sa Twitter Philippines, nag-trend ang hastag na Abot Kamay Na Pangarap.
Patuloy na subaybayan ang Abot Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG ABOT KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: