GMA Logo Carmina Villarroel and Allen Dizon
What's on TV

'Abot-Kamay Na Pangarap' viewers, kinikilig kina Lyneth at Doc Carlos

By EJ Chua
Published May 23, 2023 6:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Reported death toll in magnitude 7.8 Mindanao earthquake climbs to 61
CT-TODA, Nangandam na sa Posibleng Kahuot sa Trapiko Karong Lunes | Balitang Bisdak
Check out this fun 'How to Train Your Dragon'-themed Viking adventure

Article Inside Page


Showbiz News

Carmina Villarroel and Allen Dizon


Pagiging malapit nina Lyneth at Doc Carlos sa 'Abot-Kamay Na Pangarap', pinag-uusapan online.

Ang aktor na si Allen Dizon ang isa sa guest stars na kasalukuyang napapanood sa GMA's top-rating drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Ginagampanan niya sa serye ang karakter ni Doc Carlos Benitez, ang kaibigan ni Doc RJ na isa sa mahuhusay na doktor sa bansa.

Bukod dito, siya rin ang tunay na ama ni Zoey (Kazel Kinouchi), ang anak ni Moira (Pinky Amador).

Matatandaang bago lumipat si Analyn (Jillian Ward) sa Eastridge Medical Hospital, matagal nang inaalok ni Doc Carlos ang batang doktor na sa ospital na nila magtrabaho.

Labis na humahanga si Doc Carlos sa pagiging genius at sa pagiging mabait ni Analyn.

Napapanood siya ngayon bilang doktor ng nanay ni Analyn na si Lyneth, ang karakter na ginagampanan ni Carmina Villarroel sa serye.

Matapos masagasaan, sa Eastridge isinugod si Lyneth at doon na ito nagpapagaling.

Sa episode na ipinalabas ngayong Martes, May 23, kinakiligan ang ilang mga eksena nina Lyneth at Doc Carlos.

Ayon sa ilang viewers, bagay raw ang dalawa.

Narito ang ilang komento ng mga manonood tungkol kina Lyneth at Doc Carlos:

Abangan ang mas kapana-panabik na mga tagpo sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:

KILALANIN ANG MGA SUMUSUPORTA KAY DOC ANALYN SA ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: