
Isa sa inaabangan ng mga manonood sa GMA's top-rating series na Abot-Kamay Na Pangarap viewers ay ang pagbabalik ni Doc RJ Tanyag, ang karakter ni Richard Yap sa serye.
Matapos mawala ng ilang panahon ang kanyang karakter dahil ipinadala siya sa ibang bansa upang ipagamot, tila hindi na makapaghintay ang viewers nang malaman na muli na nilang mapapanood si Doc RJ.
Ayon sa ilang netizens, na-miss daw nila ng sobra ang napakabait at guwapong doktor at medical director sa APEX Medical Hospital.
Ang netizen naman na si Marv Calimoso, may request kay Doc RJ.
Sa episode na ipinalabas ngayong Martes, April 25, ipinasilip ang muling pagkikita nina Doc RJ at ng kanyang anak na si Analyn.
Panoorin ang ilang pasilip na mga eksena sa pagbabalik ni Doc RJ sa video na ito:
Samantala, si Doc RJ ang tunay na ama ni Doc Analyn (Jillian Ward), ang genius at pinakabatang doktor sa bansa na anak din ni Lyneth (Carmina Villarroel).
Siya rin ang kinilalang ama ng bully doctor na si Zoey (Kazel Kinouchi) at ang asawa ni Moira (Pinky Amador).
Matatandaang sa isang panayam, masayang sinabi ng aktor na unexpected ngunit isang sorpresa ang kanyang pagbabalik sa hit GMA series.
Sabay-sabay nating abangan ang pagbabalik ni Doc RJ sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye RITO.
SILIPIN ANG MEMORABLE FATHER-DAUGHTER MOMENTS NINA DOC RJ AT ANALYN SA GALLERY SA IBABA: