GMA Logo Kazel Kinouchi, Marx Topacio, Abot Kamay Na Pangarap
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap viewers, napa-react sa eksena nina Dax at Zoey

By EJ Chua
Published June 25, 2024 5:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PhilSA warns of debris after rocket launch from China
Student harassed on the road by rider in Bacolod City
FPJ Sa G! Flicks: 'Asedillo' | Teaser

Article Inside Page


Showbiz News

Kazel Kinouchi, Marx Topacio, Abot Kamay Na Pangarap


Naawa rin ba kayo sa kalagayan ngayon nina Zoey at Dax sa 'Abot Kamay Na Pangarap'?

Mabibigat na mga eksena ang natunghayan sa katatapos lang na episode ng award-winning GMA medical drama series na Abot Kamay Na Pangarap.

Umani ng iba't ibang reaksyon ang intense na mga eksena nina Kazel Kinouchi at Marx Topacio.

Sina Kazel at Marx ay napapanood sa serye bilang sina Zoey at Dax o mas kilala ng mga manonood bilang loveteam na ZoDax.

Sa latest episode nito, napanood na sinubukan ni Dax na itanan na si Zoey, ang ina ng kanyang magiging anak.

Nang paalis na ang dalawa, nasundan sila ng mga pulis at nagsimula nang magkagulo.

Dahil wanted si Dax, hinarang sila ng mga pulis at dumating na rin ang batang doktor na si Doc Analyn (Jillian Ward) at si Doc Lyndon (Ken Chan).

Labis na naguluhan si Dax sa mga kaganapan kaya't naisip niyang i-hostage si Analyn sa pag-aakalang magiging daan ito upang maitakas niya ang kanyang mag-ina.

Nakiusap si Zoey kay Dax na pakawalan si Analyn at sumuko na lamang sa mga pulis upang walang mapahamak.

Sa mga oras na iyon, walang kaalam-alam si Zoey na mayroong inutusan ang kanyang ama na si Carlos (Allen Dizon) para patayin si Dax.

Nang mabaril na ng tauhan ni Carlos si Dax, nagsimula na ring magpaputok ng baril ang mga pulis hanggang sa tuluyan nang naging magulo sa isang pampublikong lugar.

Sa kasalukuyan, umaasa si Zoey na makakaligtas at mabubuhay ang lalaking kanyang minamahal.

Narito ang ilang reaksyon ng viewers sa mga eksena nina Zoey at Dax:

Ano kaya ang susunod na mangyayari?

Abangan ang kasagutan sa Abot Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa online via Kapuso livestream.

Maaari n'yo ring balikan ang iba pang episodes ng Abot Kamay Na Pangarap dito.