
Bumuhos ang reaksyon ng mga manonood sa ilang eksena ni Zoey (Kazel Kinouchi) sa katatapos lang na episode ng GMA's top-rating drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Matapos makauwi ng Pilipinas, balik-trabaho na ang bully doctor na si Doc Zoey sa APEX Medical Hospital.
Napanood sa episode na ipinalabas ngayong Lunes, June 26, na nagkumustahan sina Doc Luke (Andre Paras) at Doc Zoey.
Ikinuwento ni Doc Zoey kay Doc Luke na mula nang makasama muli niya ang kanyang Daddy na si Doc RJ (Richard Yap), naging maayos na raw ang kanilang pamilya.
Ayon pa sa kanya, masayang-masaya na sila ngayon ng kanyang Mommy na si Moira (Pinky Amador) dahil buo na ulit ang kanilang pamilya na naging magulo noon.
Habang nag-uusap, biglang nagparinig si Doc Eula (Denise Barbacena) sa salbaheng doktor.
Aniya, bine-brainwash daw kasi nila Doc Zoey si Doc RJ kaya naniniwala ito sa kasinungalingan ng mag-ina.
Nang marinig ito ni Doc Zoey, labis siyang nanggigil at nagsimula na itong mag-drama sa harap ng iba pang staff ng APEX na kaibigan ni Doc Analyn (Jillian Ward).
Ang mga manonood, labis na nairita sa pagpapa-victim ni Doc Zoey.
Narito ang ilan sa kanilang mga naging reaksyon sa pagda-drama ng bully doctor:
Embed: react1, react2, react3, and react4
Patuloy na subaybayan ang hit inspirational-medical drama na Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime. Mapapanood din ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng Abot-Kamay Na Pangarap DITO.
SILIPIN ANG KULITAN AT TSISMISAN MOMENTS NG MGA MARITES SA APEX SA GALLERY SA IBABA: