
May bagong guest sa patuloy na nangungunang GMA series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Ang seasoned actress na si Jackie Lou Blanco ang pinakabagong guest actor na napapanood ngayon sa naturang afternoon series.
Kilala siya ngayon ng viewers bilang si Madam Lotus, ang leader sa bilangguan kung saan nakakulong ngayon si Moira, ang karakter ni Pinky Amador.
Sa isa sa mga eksena sa serye, natunghayan ang unang pagtatagpo nina Madam Lotus at Moira.
Noong una, binalewala ni Moira ang sinasabi sa kanya ni Madam Lotus ngunit tila natauhan ang una nang saktan siya ng huli.
Dahil sa pambabastos na ginawa ni Moira, sinaksak siya ni Madam Lotus gamit ang isang tinidor.
Labis na nabigla si Moira dahil hindi niya inaasahan na sobrang mahihirapan siyang kumilos sa loob ng bilangguan.
Kasunod nito, napa-react ang viewers ng serye tungkol sa ugali ni Madam Lotus.
Patuloy na subaybayan ang karakter ni Jackie Lou Blanco sa pinag-uusapang serye tuwing hapon, ang Abot-Kamay Na Pangarap.
Mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: