GMA Logo Dina Bonnevie and Jillian Ward in Abot Kamay Na Pangarap
What's on TV

'Abot-Kamay Na Pangarap' viewers, natuwa at naiyak sa eksena nina Giselle at Analyn

By EJ Chua
Published May 23, 2023 6:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

24 Oras Weekend Livestream: May 17, 2026
Ashley Rivera shares first Hyrox race experience
NBI, PNP enter steel mill firm in MisOr; workers stage rally

Article Inside Page


Showbiz News

Dina Bonnevie and Jillian Ward in Abot Kamay Na Pangarap


Viewers ng #AbotKamayNaPangarap, masayang-masaya dahil nagkaayos na ang magtiyahin na sina Giselle at Analyn.

Labis na ikinatuwa ng viewers ng Abot-Kamay Na Pangarap ang mga eksenang natunghayan sa episode ng serye na ipinalabas ngayong Martes, May 23.

Sa episode na may hashtag na #AlagaNgAnak, napanood kung paano sinubukan ni Zoey (Kazel Kinouchi) na alagaan si Doc RJ (Richard Yap) habang nagpapagaling ang huli sa ibang bansa.

Bukod dito, napanood din ang pagbisita ni Madam Giselle (Dina Bonnevie) kay Lyneth (Carmina Villarroel) sa Eastridge Medical Hospital.

Kasunod nito ay ipinalabas din ang muling pagkikita nina Madam Giselle at ng batang doktor na si Doc Analyn (Jillian Ward).

Nang magkausap ang magtiyahin, napaiyak nila ang mga manonood dahil sa wakas ay nagkaayos na silang dalawa.

Tila na-realize na kasi ni Madam Giselle na mabait talaga ang mag-inang Lyneth at Analyn at napatunayan niyang si Moira ang puno ng kasamaan.

Ang ilang manonood, naiyak daw kina Madam Giselle at Doc Analyn habang nag-uusap sila.

Panoorin ang eksenang ito:

Narito ang ilang reaksyon at komento ng mga nakapanood ng eksena ng dalawang karakter sa

Abangan pa ang susunod na mga tagpo sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: www.gmanetwork.com/entertainment/tv/abot_kamay_na_pangarap/home/

SILIPIN ANG SET NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: