GMA Logo Jillian Ward
What's on TV

'Abot-Kamay Na Pangarap' viewers, sinuportahan si Doc Analyn sa pag-alis sa APEX

By EJ Chua
Published May 4, 2023 10:42 AM PHT

Around GMA

Around GMA

From ₱500 to ₱1,000? TXT member Soobin’s complaint on 'overcharging' taxi sparks LTFRB probe | GMA News Feed
Healers, herbalists gather in Siquijor anew for healing festival
How the latest smartphones are embracing the beauty of the unfiltered journey

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward


Viewers kay Doc Analyn sa 'Abot-Kamay Na Pangarap': “Tama ang naging desisyon mo.”

Sa latest episode ng GMA's top-rating drama series na Abot-Kamay Na Pangarap na may hashtag na #AKNPParusa, natunghayan ng mga manonood ang pagre-resign ni Doc Analyn (Jillian Ward) bilang isa sa mahuhusay na doktor sa APEX Medical Hospital.

Napanood ngayong Miyerkules, May 3, na mas pinili ni Doc Analyn na umalis na lang sa naturang ospital dahil na rin sa paulit-ulit na masasamang pangyayari na naranasan niya roon.

Sinabi ng batang doktor kay Madam Giselle (Dina Bonnevie) na ilang beses na siyang nasaktan sa APEX emotionally at pati na rin physically kaya buo na ang desisyon niyang mag-resign.

Ayon pa sa genius at pinakabatang doktor sa bansa, naalala niya ang sinabi sa kanya ng kanyang lola na si Aling Susan (Dexter Doria), “Hindi mo kailangang magtiis sa mga taong mababa ang tingin sa 'yo at walang respeto.”

Isang post na ibinahagi ni GMA Drama (@gmadrama)

Samantala, ang viewers at fans ng serye, nag-react sa naging desisyon ni Doc Analyn.

Ayon sa viewer at netizen na si Maria Macatangay, tama raw ang desisyon ng batang doktor.



Para naman kay Del Carmen Eloisa, nice move raw ang ginawa ni Doc Analyn.



Narito ang ilan pang komento at reaksyon ng Abot-Kamay Na Pangarap viewers:


Panoorin ang video na ito:

Abangan ang mga susunod na tagpo sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:

SILIPIN ANG PALABAN MOMENTS NI ANALYN SA ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: