GMA Logo Carmina Villarroel
What's on TV

'Abot-Kamay Na Pangarap' viewers, suportado ang desisyon ni Lyneth

By EJ Chua
Published June 5, 2023 6:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SONA 2026: Commonwealth vendors, supporters tune in with hopes for economy, accountability
SEVENTEEN's Vernon, DK to start military service in August and September
LIVE - SONA 2026-Pres. Bongbong Marcos' 5th State of the Nation Address (July 27) | GMA Regional TV

Article Inside Page


Showbiz News

Carmina Villarroel


Lyneth sa paghihiganti kay Moira sa #AbotKamayNaPangarap: “Gusto ko siyang pantayan o higitan pa. Gusto ko, ako naman ang tatapak sa kanya…”

Isa sa mga dapat pang abangan sa Abot-Kamay Na Pangarap ay ang paghihiganti ni Lyneth (Carmina Villarroel) kay Moira (Pinky Amador).

Sa episode na ipinalabas ngayong Lunes, June 5, natunghayan ang pagkikita nina Lyneth, Madam Giselle (Dina Bonnevie), at Lolo Pepe (Leo Martinez).

Bago ang flight ng mag-ama na sina Lolo Pepe at Madam Giselle papuntang Cebu, nakausap nila ang ina ni Doc Analyn (Jillian Ward).

Buong loob na sinabi ni Lyneth sa kanila na payag na siyang makipagtulungan kina Giselle na pabagsakin si Moira.

Ayon sa kanya, “Gusto kong pabagsakin si Moira. Gusto ko siyang pantayan o higitan pa. Gusto ko, ako naman ang tatapak sa kanya, kaya pumapayag na po ako sa plano ninyo, tinatanggap ko na ang alok ninyo.

Tila nasorpresa at natuwa si Madam Giselle sa naging desisyon ni Lyneth.

Kasunod nito, ilang payo ang narinig niya mula sa kapatid ni Doc RJ (Richard Yap).

Ang ama naman ni Doc RJ at biyenan ni Moira na si Lolo Pepe, nagpasalamat kay Lyneth dahil sa wakas ay natauhan na siya at nagdesisyon nang ipagtanggol ang kanyang sarili at ang kanyang anak na si Doc Analyn.

Samantala, ang mga manonood, suportado ang naging desisyon ng in ani Doc Analyn.

Narito ang ilan sa comments at reactions ng viewers tungkol sa katapangan ni Lyneth:

Panoorin ang eksenang ito:

Abangan ang mas kapana-panabik na mga tagpo sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:

KILALANIN ANG MGA SUMUSUPORTA KAY DOC ANALYN SA ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: