
Muli na namang nakatanggap ng pagkilala ang hit GMA medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Kamakailan lang, kinilala ang serye bilang TV Series of the Year (Afternoon) sa ikalimang Village Pipol's Choice Awards.
Bukod dito, pinarangalan din ng award-giving body ang isa sa mga kabilang sa cast nito.
Personal na tinanggap ng Sparkle star na si Jeff Moses ang award bilang Promising Male Star of the Year.
Napapanood siya sa serye bilang si Reagan Tibayan, ang isa sa mga kaibigan ni Doc Analyn (Jillian Ward).
Matatandaan na bago pa ito, nakatanggap ng parangal ang programa mula sa 2024 Box Office Entertainment Awards.
Ito ay ang award bilang Popular TV Program Daytime Drama.
Bukod dito, kinilala rin ng Box Office Entertainment Awards ang husay sa pag-arte nina Jillian Ward at Richard Yap, ang ilan sa mga aktor na napapanood din sa serye.
Congratulations, Team Abot-Kamay Na Pangarap!
Samantala, abangan pa ang susunod na mga tagpo sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood mula Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang programa via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye dito.