
Ang episode ng GMA medical-inspirational drama series na Abot-Kamay Na Pangarap na ipapalabas ngayong Miyerkules, March 29 ay may hashtag na #RescueAnalyn.
Matutunghayan na ang pagsabog ng bomba na inilagay ng bomber na si Lando sa storage room ng APEX Medical Hospital.
Bukod pa rito, kaabang-abang din ang labis na pag-aalala ng pamilya ni Analyn (Jillian Ward) dahil nakulong ang batang doktor sa naturang storage room kung nasaan ang bomba.
Matatandaang nang mag-away sina Zoey (Kazel Kinouchi) at Analyn, dinala at ikinulong ng una ang huli sa isang kwarto sa ospital na sira ang pintuan.
Kasunod ng kanilang pagtatalo, nagsimulang i-evacuate ang mga pasyente at mga tao sa APEX dahil sa nakaambang panganib dahil sa bomba.
Nakalabas na halos lahat ng tao ngunit naiwan si Analyn dahil hindi niya mabuksan ang pintuan ng storage room.
Nang malaman na nasa loob pa si Analyn, binalikan siya nii Madam Giselle Tanyag (Dina Bonnevie) ngunit sa kasamaang palad hindi niya natulungan ng huli na makalabas ang una.
Sa previous episodes ng serye, natunghayan kung paano pinigilan ni Analyn ang pagtakas ng bomber na si Lando (Archie Alemania).
Samantala, aamin kaya si Zoey na siya ang may kasalanan kung bakit nakulong si Analyn sa storage room?
Ano kaya ang gagawin sa kanya nina Lyneth, Aling Susan (Dexter Doria), at Madam Giselle?
Makaligtas kaya si Analyn sa pagsabog ng bomba?
Panoorin ang ilang pasilip sa episode na mapapanood ngayong Miyerkules:
Huwag palampasin ang patindi nang patinding mga tagpo sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:
KILALANIN ANG MGA AKTOR NA NAPANOOD BILANG GUESTS SA ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: