
Magkakaroon ng bagong tandem sa award-winning GMA medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Sa previous episode ng serye, natunghayan ang madalas na pagtatalo noon nina Zoey at Justine, ang karakter nina Kazel Kinouchi at Klea Pineda.
Madalas silang mag-away sa harap ng pinakabatang doktor na si Doc Analyn, ang role ni Jillian Ward sa hit series.
Sa bagong episodes ng programa, tila magbabago ang ihip ng hangin sa pagitan nina Zoey at Justine.
Kung noon ay magkaaway sila, ngayon ay magiging magkasundo na sila.
Ano kaya ang mga balak nila laban sa mga taong nanakit sa kanila?
Samantala, si Zoey ay anak ni Moira (Pinky Amador), habang si Justine naman ay anak ni Madam Giselle (Dina Bonnevie).
Abangan ang susunod na mga tagpo sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood mamayang 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang programa via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye dito.