GMA Logo Jillian Ward and Kazel Kinouchi
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Zoey finds out the truth!

By EJ Chua
Published February 2, 2023 6:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Louvre museum installs security bars on balcony used in October's heist
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward and Kazel Kinouchi


Ngayong alam na ni Zoey na nagsinungaling sa kaniya si Analyn, mukhang everyday away na naman ang mangyayari sa kanila sa APEX. #AbotKamayNaPangarap

Sa hit GMA series na Abot-Kamay Na Pangarap, mukhang lalayo na naman ang loob ni Zoey (Kazel Kinouchi) kay Analyn (Jillian Ward).

Sa mismong birthday party ng genius doctor, biglang nagkagulo nang sugurin ni Zoey ang celebrant.

Matapos kasing mapanood ni Zoey sa isang CCTV footage na tama ang kaniyang hinala na si Analyn ang kasama ni Doc Luke (Andre Paras) sa isang mamahaling restaurant, hindi na niya napigilan ang kaniyang sarili na komprontahin si Analyn.

Sa gitna ng surprise party, gulat na gulat ang lahat ng bisita nang masaksihan nila na galit na galit si Zoey kay Analyn.

Ilang beses mang sinubukan ni Analyn na magpaliwanag kay Zoey tungkol sa isyu, hindi na siya pinakinggan nito.

Labis na nasaktan si Zoey kaya naman sinabi nito na pinagsisihan niyang itinuring niya na parang kapatid ang young at genius doctor.

Habang nag-aaway ang dalawa, ipinagtanggol ni Luke si Analyn at sinabing wala siyang kasalanan sa nangyari.

Inamin ni Luke na walang gusto sa kaniya si Dra. Analyn at sa katunayan nga ay umiiwas ito sa kaniya para hindi masaktan si Zoey.

Kahit na nagpaliwanag ang binata, tila sarado na ang isip ni Zoey at puno na ng galit ang kaniyang puso.

Magkakaayos pa kaya ang magkapatid na sina Zoey at Analyn, o ito na ang katapusan ng magandang samahan ng dalawa?

Babalik ba sa pagiging bully doctor si Zoey?

May maitutulong ba si Doc RJ (Richard Yap) para magkabati ang kaniyang mga anak?

Panoorin ang eksenang ito:

Zoey confronts Analyn

Huwag palampasin ang kapana-panabik na eksena sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa via Kapuso livestream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye dito.

SAMANTALA, SILIPIN ANG MOST TALKED-ABOUT SISTER MOMENTS NINA ANALYN AT ZOEY SA GALLERY SA IBABA: