
May magbabago ang ugali sa isa sa mga karakter sa patuloy na nagte-trending na serye na Abot-Kamay Na Pangarap.
Kaabang-abang ang mga susunod na eksena ni Kazel Kinouchi bilang si Doc Zoey, ang tinaguriang salbaheng doktor sa naturang drama series.
Mapapanood ngayong Huwebes, August 31, na unti-unting magiging mabait ulit si Doc Zoey kay Doc Analyn, ang karakter ni Jillian Ward sa programa.
Matapos tulungan ni Doc Analyn ang mommy ni Doc Zoey na si Moira (Pinky Amador), tila gustong bumawi ng doktor sa una.
Kahit kasi matinding pang-aapi ang natanggap noon ni Doc Analyn sa mag-inang Moira at Zoey, hindi siya nagdalawang isip na tulungan sila nung kailangan nila ng tulong dahil sa lindol.
Tunay ngang napakabuti ng puso ng batang doktor.
Totoo na kaya ang ipapakitang kabutihan ni Doc Zoey kay Doc Analyn?
Ano kaya ang gagawin niya para makabawi?
Narito ang ilang pasilip sa episode na ipapalabas mamaya:
Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye na Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito.