
Sa pagpapatuloy ng Abot Kamay Na Pangarap, mas tumitinding mga pagsubok ang pinagdadaanan ni Analyn Santos (Jillian Ward).
Kahit isa na siyang doktor, marami pa rin ang nang-aapi sa kaniya dahil sa kaniyang edad.
Kabi-kabilang panghuhusga ang naririnig ng batang doktor habang nagtatrabaho siya sa ospital.
Isa sa mga nagpapahirap sa buhay ni Analyn bilang isang doctor ay ang dati niyang kaklase na si Zoey Tanyag, ang karakter na ginagampanan ng Sparkle artist na si Kazel Kinouchi.
Mula nang maging magkakompitensya ang dalawa sa medical school noon, hindi na tinigilan ni Zoey si Analyn.
Hanggang sa magkasama na sila sa isang ospital, patuloy pa rin sa pambu-bully si Zoey.
Ngunit tila hindi simpleng pang-aapi ang kaniyang ginagawa, ginagamit na rin kasi ni Zoey ang kaniyang mga koneksyon upang siraan si Analyn sa kaniyang mga katrabaho.
Panoorin dito kung paano siniraan ni Zoey si Analyn kay Dra. Katie Enriquez (Che Cosio):
Makakayanan pa kaya ni Analyn ang masasamang ginagawa ni Zoey laban sa kaniya?
Patuloy na subaybayan ang kuwento ng youngest doctor sa bansa sa Abot Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
SAMANTALA, SILIPIN ANG SET NG ABOT KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: