GMA Logo Zoey and Analyn
What's on TV

Abot Kamay Na Pangarap: Zoey vs. Analyn

By EJ Chua
Published October 4, 2022 10:13 AM PHT

Around GMA

Around GMA

AFP calls out disinformation on alleged P15-B ghost projects
Mga gamot sa ubo, sipon at vitamins, hatid ng GMAKF sa mga apektado ng Mayon | 24 Oras
11 hurt in van crash in Don Salvador Benedicto, NegOcc

Article Inside Page


Showbiz News

Zoey and Analyn


Ano nga ba ang pakiramdam kapag hindi ikaw ang pinili? Alam ni Zoey 'yan! Panoorin ang video na ito:

Sa katatapos lang na episode Abot Kamay Na Pangarap, hindi inaasahan ni Dra. Analyn Santos (Jillian Ward) na siya ang pipiliin ni Dra. Katie Enriquez (Che Cosio) para sa isang operasyon.

Gulat na gulat si Zoey (Kazel Kinouchi) dahil hindi niya inakalang mapapahiya siya sa harap ni Analyn.

Dahil sa paninirang ginawa noon ni Zoey kay Analyn, akala ni Dra. Katie ay hindi mapagkakatiwalaan ang batang doktor.

Noong una ay mahina ang tingin niya rito ngunit ngayon, unti-unti na niyang napapansin na mahusay si Analyn bilang isang doktor.

Nang tanungin ni Zoey si Dra. Enriquez kung bakit hindi siya pinili nito, matapang na sumagot ang chief resident.

Ayon sa doktora, "Ayokong mahiritan na may favoritism ako... For me, she's the obvious choice... You better shape up, gayahin mo si Dra. Santos, kahit napapagalitan... tuloy pa rin ang pagpapakitang gilas."

Matapos ang ilang pagsubok na naranasan nito sa loob ng APEX Medical Hospital, tila mayroon nang mga doktor na nakakapansin sa kaniyang kakaibang katalinuhan at kahusayan.

Isang araw habang nasa meeting, nasubukan ang kakayahan nina Zoey at Analyn.

Unang sinubok nina Dra. Katie at Dr. Rey (Chuckie Dreyfus) ang talino ni Zoey, ngunit nabigo sila dahil mali ang nakuha nilang sagot mula rito.

Nang tanungin naman ni Dr. Rey si Analyn, tama ang sinagot nito at tila napahanga pa ng batang doktor ang isa kaniyang mga senior doctors.

Sa katunayan, pati ang kapwa niya mga doktor ay napabilib sa kaniyang mga sagot.

Panoorin ang buong episode na ito:

May magagawa pa nga ba si Zoey para siraan si Analyn?

Patuloy na subaybayan ang kuwento ng youngest doctor na si Analyn sa Abot Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

SAMANTALA, SILIPIN ANG SET NG ABOT KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: