
Isa na namang Korean drama ang inihahandog ng Heart of Asia para sa mga Kapuso!
Malapit nang mapanood sa GMA ang fantasy romance Korean drama series na About Time.
Iikot ang istorya nito kay Michaela, isang aspiring musical actress na may kakayahang makita ang tagal ng buhay ng mga tao kabilang ang kaniyang sarili. Ngunit pagkatapos ng isang maliit na aksidente, makikilala ni Mika si Dino, chief director ng isang cultural foundation. Mapagtatanto niyang tumitigil ang kaniyang oras sa tuwing malapit siya kay Dino.
Dahil alam niya na ang kanyang sariling oras sa mundo ay limitado, ang kakayahang ito na pahabain ang kanyang buhay ay nangangahulugan na maaari niyang matupad ang kanyang pangarap na maging isang musical theater star. Gayunpaman, hindi rin magtatagal at mapapansin din ni Dino kung paano patuloy na sinusubukan ni Mika na ipasok ang sarili sa kanyang pang-araw-araw na buhay.
Ang karakter ni Mika ay pagbibidahan ng South Korean model, actress, at singer na si Lee Sung-kyung.
Ang 40-year-old Korean actor naman na si Lee Sang-yoon ang gaganap bilang Dino.
Bibida naman si Im Se-mi bilang Cielo at Kim Dong-jun bilang Jason.
Ano kaya ang magiging role nila sa buhay nina Mika at Dino?
Kagaya ng orasan, titigil din ba ang mundo ni Dino sa piling ni Mika?
Sa nalalapit na pagpapalabas nito sa Philippine television, kaabang-abang ang mga eksenang siguradong magpapakilig sa mga Kapuso!
Sabay-sabay nating subaybayan ang love story nina Michaela at Dino sa About Time!
SAMANTALA, KILALANIN ANG STAR-STUDDED CAST NG UPCOMING TELEVISION DRAMA SERIES NA 'START-UP PH' NA MAPAPANOOD DIN SA GMA TELEBABAD SA GALLERY NA ITO: