GMA Logo about time recap
What's Hot

About Time: Apektado si Dino sa pagbalik ni Janna

By Abbygael Hilario
Published September 6, 2022 6:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Gabbi Garcia, Khalil Ramos to star in Ben&Ben’s ‘Duyan’ MV
P44M alleged smuggled cigarettes seized off Davao de Oro
NLEX to increase toll fees starting January 20

Article Inside Page


Showbiz News

about time recap


Matapos ang ilang taon, bumalik ang first love ni Dino na si Janna

Nakilala na nina Dino at Michaela (Lee Sung-kyung) ang gaganap bilang lead actress sa musical play ni Jason!

Matapos ang ilang taon ay muling bumalik ang first love ni Dino (Lee Sang-yoon) na si Janna!

Siya pala ang gaganap bilang lead actress sa musical play ni Jason.

Ayon kay Janna, si Cielo ang kumausap sa kaniya para maging bida sa musical show na hindi naman ikinatuwa ni Dino.

SOURCE: GMA Network

Gusto ni Cielo (Im Se-mi) na masira ang relasyon nina Michaela at Dino para bumalik ito sa kaniya.

Mukhang apektado naman si Michaela sa mga nangyayari. Biglang umandar at nabawasan ang oras niya nang magkaharap silang tatlo ni Jana.

Lalo rin siyang nalungkot matapos ipamukha ni Cielo sa kaniya na isa lamang siyang 'rebound' ni Dino.

Ano kaya ang gagawin ni Dino matapos bumalik ang first love niya? Magtatagumpay kaya si Cielo sa balak niya? Tuluyan kayang mababawasan ang oras ni Michaela?

Abangan mamaya sa About Time, 10:20 p.m., sa GMA Network.

KILALANIN SI LEE SUNG-KYUNG SA GALLERY NA ITO: