
Kaabang-abang ang pagbabalik ng isang Korean series sa GMA Heart of Asia.
Mapapanood na sa GTV ang fantasy romance drama na pinamagatang About Time ngayong Martes ng hapon, May 13.
Ang seryeng ito ay tungkol sa buhay ng isang aspiring musical actress na si Michaela o Mika na mayroong kakayahan na malaman at makita ang itatagal ng buhay ng isang tao, at kaya niya rin itong gawin sa kaniyang sarili.
Sa gitna ng pag-usad niya sa buhay, makikilala niya ang chief director ng isang cultural foundation na si Dino sa pamamagitan ng isang aksidente.
Sa kanilang pagtatagpo, unti-unting mapapagtanto ni Michaela na sa tuwing malapit siya kay Dino ay tumitigil ang kaniyang oras.
Mapapanood bilang bida sa serye na si Mika ang Korean actress at model na si Lee Sung-kyung.
Ang karakter naman ni Dino ay gagampanan ng Korean actor na si Lee Sang-yoon.
Matatandaang unang ipinalabas sa GMA ang naturang serye noong 2022.
Huwag palampasin ang nakakakilig na mga eksena nina Lee Sung-kyun at Lee Sang-yoon bilang sina Mika at Dino.
Sinu-sino pa kaya ang mapapanood sa serye?
Abangan ang About Time, mamaya na, sa GTV. Mapapanood ito tuwing Lunes, Huwebes, at Biyernes, 2:30 p.m. at 5:00 p.m. naman tuwing Martes, Miyerkules, Sabado, at Linggo.
RELATED CONTENT: 10 GMA Heart of Asia Korean dramas that we miss