
Mukhang suwerte si Michaela sa love life at career!
Nakapasok si Michaela (Lee Sung-kyung) sa kaniyang audition bilang understudy ng bidang babae sa musical show ni Jason (Kim Dong-jun).
Mas nagiging malalim na rin ang pagtingin ni Dino (Lee Sang-yoon) sa kaniya matapos na magsama sa iisang bubong para humaba pa ang oras ni Michaela!
Habang nagkakamabutihan ang dalawa, nadadagdagan naman ang mga taong gusto silang paghiwalayin.
Ginagawa ni Cielo (Im Se-mi) ang lahat para bumalik sa kaniya si Dino.
Tutol din ang mama ni Michaela sa relasyon nilang dalawa.
Mamaya, malalaman ni Michaela na mayroon na lamang 29 days ang kuya ni Dino para mabuhay.
Makikilala na rin niya ang bidang babae na gaganap bilang Eunice sa musical show ni Jason.
Abangan ang kanilang mga kapana-panabik na eksena sa About Time, 10:20 p.m., sa GMA Network.
KILALANIN SI LEE SUNG-KYUNG SA GALLERY NA ITO: