
Exciting ang celebration ng Buwan ng Wika ngayong Agosto dahil magsasama-sama ngayong Miyerkules sa Family Feud ang dalawang grupo ng Filipino artists na nagpapakita ng depth at versatility ng national language sa rap, cinema, and OPM.
Ang espesyal na episode ngayong August 19 ay ang paggunita rin sa kaarawan ni dating Pangulong Manuel L. Quezon na kinikilalang Ama ng Wikang Pambansa.
Maghaharap sa survey board ang cast ng critically acclaimed film na Respeto. Ito ay ang 2017 Cinemalaya entry na idinirek ni Treb Monteras II na siya ring direktor ng Family Feud. Tampok sa Respeto ang hip-hop, spoken-word poetry, at rap battles na nagbabahagi ng mga kuwento tungkol sa buhay at realidad ng mga Pilipino.
Maglalaro sa Team Respeto ang award-winning rapper at aktor na si Abra, ang rapper-songwriter at producer na si Loonie, ang aktres at new mom na si Kate Alejandrino, at aktor na si Ybes Bagadiong.
Sina Abra at Loonie ay may special original rap performance din na inihanda para sa episode ngayong Miyerkules.
Makakaharap naman nila ang Team Hey June! na binubuo ng mga miyembro ng young indie-pop at rock band na sina vocalist-guitarist Jim Mase, bassist Coey Ballesteros, at drummer Aci Fodra.
Kasama rin nila ang kanilang close friend na si Cha Hermoso na member ng P-pop girl group na KAIA.
Nabuo ang Hey June! noong pandemic at mula noon ay nakabuo na ng solid fan base na tinatawag na "Junakis." Nakilala ang grupo sa kanilang relatable lyrics, catchy melodies, at viral breakout hit na "LASIK," mula sa kanilang debut album na Curiosity Killed the Cat.
Abangan ang kanilang exciting na showdown sa fresh episode ng Family Feud ngayong August 18, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa kabuuang detalye.