
Maghaharap ang dalawang young talented groups sa bagong Tuesday episode ng Family Feud.
Ngayong August 25, mapapanood ang tapatan ng grupong ABZTRACT at Enciende.
Tampok sa fresh episode ang bagong henerasyon ng performers sa ABZTRACT, isang bagong boy band na may espesyal na koneksyon sa kilalang '90s dance group na Abztract Dancers. Nabuo noong kalagitnaan ng '90s ang original group na kinabilangan nina Family Feud host Dingdong Dantes, Arthur Solinap, Dino Guevarra, at Sherwin Ordoñez. Sila ay mga pangalang kalaunan ay nagkaroon ng kani-kaniyang matagumpay na career sa showbiz.
Ngayon, ipinagpapatuloy ng ABZTRACT ang legacy sa pamamagitan ng musika. Kasama sa grupo sina Travis Amado, leader at main rapper; Raiven Beniten, lead vocalist at main dancer; JB Jimena, lead dancer at lead vocalist; at Gab Abesamis, na nagsisilbing center at visual ng grupo.
PHOTO SOURCE: Family Feud
Makakatapat nila ang mga alumnae ng Enciende, isang grupo ng young dancers na kamakailan ay nagbigay ng karangalan sa Pilipinas matapos ang impressive na performance sa dalawang major international competitions sa Orlando, Florida.
Ang Enciende ng Saint Pedro Poveda College ay nasungkit ang gold medal sa Open Hip Hop Division ng 2026 International All Star Federation (IASF) Dance Worlds Championships, kung saan nakalaban nila ang 20 teams mula sa iba't ibang panig ng mundo. Ilang araw lamang bago nito, nakakuha rin sila ng silver medal sa Junior Hip Hop Division ng International Cheer Union (ICU) World Championships.
Mapapanood sa Family Feud sina Chelsea Tulod, freshman na kumukuha ng Sports Science sa University of the Philippines; Alex Espinosa, freshman sa Ateneo de Manila University na nag-aaral ng BS Restaurant Entrepreneurship; Safi Lava, freshman sa Ateneo na kumukuha ng AB Management Economics; at Bianca Dulce, freshman sa De La Salle University na nag-aaral ng AB Organizational Communication.
Huwag palampasin ang kanilang exciting na showdown sa fresh episode ng Family Feud ngayong August 25, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa kabuuang detalye.