
Laugh trip para sa mga Runners na sina Mikael Daez, Miguel Tanfelix, at Lexi Gonzales ang viral scene sa Running Man Philippines na nangyari sa pagitan nina Buboy Villar at Kokoy de Santos nang magkatapat sila sa 'Tumbang Tao' mission.
Ang nabanggit na clip ay nakakuha na ng mahigit two million views at 83,000 reactions sa Facebook as of this writhing ang funny moment nang aksidenteng mahalikan sa baba ni Buboy si Kokoy.
Sa exclusive chat GMANetwork.com kay Miguel nang mag-guest ito sa Kapuso ArtisTambayan kahapon, May 23. hindi raw niya maiwasan ulit-ulitin ang aliw na eksena na ito ng Bu-Koy.
Lahad ng Kapuso actor, “Ako, nung pinanood ko siya, ilang beses ko siya ni-replay kasi tawa ako ng tawa.”
Humirit naman si Lexi at sinabing, “Last season ginagawa na talaga nila 'yun, favorite nila na ginagawa 'yun.
Biro pa uli ni Miguel sa viral kiss ng dalawa: “On cam, subtle pa lang 'yun, kapag off cam laplapan, joke lang.”
Para naman kay Mikael Daez, perfect example ang eksena na 'yun na aniya ay unexpected sa mga episode nila sa Running Man Philippines na kakapitan ng manonood. At yun ang surprising part para sa kanilang Runners every weekend.
“Hindi mo talaga masasabi 'yung kakapitan o mapapansin ng audience. O saan sila pinakamatutuwa!” paliwanag ni Kap. So, kahit kami nagugulat na lang kami: 'Oh my God! 'Yun yung napansin nila'.”
Dagdag pa ni Mikael, “At nilalagay nila sa Facebook, Twitter, at TikTok post. So, ako natutuwa ako sa ganun kasi magugulat ka na lang e, nagugulat kami lagi kung ano 'yung napapansin ng audience.”
Abangan ang bardagulan at matinding 'K-laban' sa Running Man Philippines season two dahil mangyayari na ang first nametag elimination ngayong May 25 at May 25 sa oras na 7:15 pm on GMA-7.
RELATED CONTENT: MEET THE KOREAN STARS JOINING THE MUCH-AWAITED RUNNING MAN PH SEASON 2