Article Inside Page
Showbiz News
Si Elsa ang lovable nanay at partner in crime ni Bitoy sa Saturday night sitcom na 'Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento'. Played by Manilyn Reynes, ayon sa kanya metikuloso daw nilang pinaplano ang bawat eksena para makuha ang saktong timpla na swak sa panlasa ng manonood.
BY AEDRIANNE ACAR
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
Siya ang lovable nanay at partner in crime ni Bitoy sa Saturday night sitcom na
Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento. She is none other than Elsa, ang mapagmahal at maarugang mommy nina Chito at Clarissa.
Played by the wonderful actress and singer Manilyn Reynes, tiyak hindi kumpleto ang Manaloto household kung wala ang tinaguriang “Iron Lady”. Kuwela ang mga eksena nila Manilyn at Michael V, lalong-lalo na ang mga scene na nakakatikim ng kamay na bakal si Pepito mula sa asawa dahil may nagawa siyang kapalpakan.
Ayon kay Mane metikuloso daw nilang pinaplano ang bawat eksena nila sa
Pepito para makuha ang saktong timpla na swak sa panlasa ng manonood. At diyan pumapasok ang importansya ng ginagawa nilang script reading.
Kamakailan ginawa nila ang isang special episode, kung saan naglibot sila sa iba’t-ibang schools tulad ng Miriam College at University of Santo Tomas. Dito ipinaliwanag nila ang kahalagahan ng script reading sa production process to make it hassle free.
Kuwento ng Kapuso actress, “In a way, hindi naman nagte-teach kundi nagshashare lang kami nung experiences namin bilang mga kasama sa
Pepito Manaloto. We tell them and we encourage them na kahit sa mga eskuwelahan lalo na sa shows [i-observe ito].”
Dagdag pa ni Manilyn, napakahaba daw ng mga script ng mga show kaya minsan nahihirapan ang isang aktor na makuha ‘yung nararapat na emosyon para sa isang eksena. Hindi niya alam kung paano gagawin ang eksenang kinukunan at kung paano ito konektado sa buong storya.
Maiiwasan daw ito sa pamamagitan ng pagbabasa ng script with the whole cast.
“Kunwari for a day, you do a scene na hindi mo pa nakukunan ‘yung pinanggalingan [na scene], papaano mo nga naman gagawin ito, hindi mo pa alam kung ano ‘yung pinanggalingan 'di ba?
“Pero since you have read the script kahit saan ka ibato you know already. At saka kung anong level ‘yung reaction mo.”