GMA Logo Kazel Kinouchi
What's on TV

Acting skills ni Kazel Kinouchi sa 'Abot Kamay Na Pangarap,' pinuri ng netizens

By EJ Chua
Published October 28, 2022 3:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PhilSA warns of debris after rocket launch from China
Student harassed on the road by rider in Bacolod City
FPJ Sa G! Flicks: 'Asedillo' | Teaser

Article Inside Page


Showbiz News

Kazel Kinouchi


Taas-kamay ang mga sumasang-ayon na effective na kontrabida ang 'Abot Kamay Na Pangarap' star na si Kazel Kinouchi!

Sa ongoing GMA inspirational-medical drama series na Abot Kamay Na Pangarap, umaani ng papuri mula sa netizens ang Sparkle artist na si Kazel Kinouchi dahil sa kaniyang kontrabida role sa serye.

Labis na kinaiinisan at pinanggigigilan ng mga manonood ang karakter ni Kazel bilang si Dra. Zoey Tanyag, ang doktor na laging nambu-bully kay Dra. Analyn Santos (Jillian Ward).

Ang ilan, napa-comment pa sa videos ng Abot Kamay Na Pangarap kung saan napanood nila ang pagtataray at pambu-bully ni Zoey.

Sa katatapos lang na farewell party na inihanda ng mga kaibigan at katrabaho ni Analyn para sa kaniyang pag-alis, nanggulo na naman siya sa kalagitnaan ng masayang event.

Panoorin ang eksenang ito:

Matatandaang unang nagkita sina Analyn at Zoey sa isang ospital noong sila ay mga bata pa lamang.

Bata pa lamang sila, kapansin-pansin na mataray at matapobre si Zoey, habang si Analyn naman ay mabait at genius.

Makalipas ang ilang taon, naging magkaklase sila sa isang medical school at kalaunan ay naging magkatrabaho naman bilang mga doktor sa APEX Medical Hospital.

Sa ngayon, hindi pa alam nina Analyn at Zoey na magkapatid sila sa ama.

Kailan kaya sasabihin ni Doc RJ (Richard Yap) ang tungkol sa tunay nilang koneksyon sa isa't isa?

Abangan pa ang susunod na mga gagawin ni Zoey kay Analyn sa on-air at online hit inspirational-medical drama na Abot Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa online via Kapuso livestream.

Maaari n'yo ring balikan ang iba pang episodes ng Abot Kamay Na Pangarap dito.

SAMANTALA, KILALANIN SI KAZEL KINOUCHI SA GALLERY SA IBABA: