
Nasubok ang bawat talento at kakayahan ng Kabataang Pinoy housemates sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Sa latest episode ng teleserye ng totoong buhay, ipinasilip ni Big Brother ang live show na lubos na pinaghandaan ng housemates para sa kanilang ikalimang weekly task.
Kabilang ang acting skills ni Marco Masa sa talaga namang hinangaan ng viewers at ng kapwa niya mga kasama sa iconic house.
Ang buhay ng kanyang pamilya ang ibinida ni Marco, kung saan siya ang gumanap bilang kanyang kapatid na mayroong down syndrome.
Si Clifford ang gumanap bilang si Marco Masa, habang sina Lella Ford at Joaquin naman ang mga gumanap na magulang nila sa naturang live show.
Kasunod nito, naging emosyonal si Marco matapos niyang marinig ang boses ng kanyang ina at ng kanyang Kuya Justin.
Narito ang ilang reaksyon ng netizens sa acting skills ni Marco Masa:
Samantala, si Marco ang isa sa mga nominadong housemates ngayong linggo.
Voting is still open at mayroon pang pagkakataon na iligtas siya mula sa nalalapit na eviction night.
Patuloy na tumutok sa mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m., Sabado, 6:15 p.m., at Linggo sa oras na 10:05 p.m..
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream na mapapanood sa link na nasa ibaba.
Related gallery: Meet the 20 housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'