GMA Logo Mavy Legaspi Cassy Legaspi
What's on TV

Acting skills nina Mavy at Cassy Legaspi, pinuri ng 'Abot-Kamay Na Pangarap' viewers

By EJ Chua
Published January 11, 2023 2:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

Mavy Legaspi Cassy Legaspi


'Abot-Kamay Na Pangarap' viewers kina Mavy at Cassy Legaspi: “Galing umarte ng twins, manang mana sa parents.”

Nakakatanggap ng papuri ngayon ang Legaspi twins na sina Mavy at Cassy Legaspi dahil sa kanilang ipinapamalas na husay sa pag-arte sa hit GMA series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Ilang mga eksena nina Mavy at Cassy sa serye ang talaga namang tumatak sa mga manonood dahil sa kanilang galing sa pag-arte bilang kambal din na sina Jordan at Jewel.

Ayon pa sa mga manonood, tila namana raw ng kambal ang kanilang acting skills sa kanilang mga magulang.

Sina Mavy at Cassy ay mga anak ng Abot-Kamay Na Pangarap lead star na si Carmina Villarroel at ng former Apoy sa Langit star na si Zoren Legaspi.

Sa isang panayam, ibinahagi ni Carmina na ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakasama niya ang kaniyang mga anak na sina Mavy at Cassy sa isang drama series.

Kasalukuyang napapanood sa serye ang buhay ng kambal na sina Jordan at Jewel (Mavy at Cassy).

Mayroong Stage 5 Chronic Kidney Disease si Jewel at ang kakambal niya na si Jordan ay handang magsakripisyo at i-donate ang isa niyang kidney para sa kaniyang ate.

Ang gumaganap bilang nanay ng kambal sa serye ay ang aktres na si Samantha Lopez.

Kaabang-abang ang tagos sa pusong mga eksena ng kambal habang kasama ang kanilang real-life mom na si Carmina na mapapanood sa susunod na episodes ng serye.

Abangan ang mas kapana-panabik na mga tagpo sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa via Kapuso livestream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye dito.

SAMANTALA, KILALANIN ANG ILANG CELEBRITIES NA NAPANOOD AT MAPAPANOOD BILANG GUEST ACTORS SA ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: