
Anak si Alex ng veteran actor at former Encantadia star na si Pen Medina at kapatid naman ito ni Ping Medina.
IN PHOTOS: Celebs na nasangkot sa car accidents
Ayon sa Facebook post niya, sinisisi niya ang kawalan ng streetlights kaya siya bumanga sa isang road barrier.
“Nice one Quirino highway. Walang ilaw sa kung saan ako bumunggo sa barrier. At wala din reflector ang mga barriers. Effective sa umaga sablay sa gabi. Lalo na pag umulan. Wasak ka Quirino Highway.”
Hindi tuloy maiwasang maglabas ng sama ng loob ni Alex sa kawalan ng maayos na pasilidad para ligtas na makabiyahe ang may sasakyan sa naturang highway.
Saad niya, “Kingina Quirino Highway ang dilim dilim di ko nakita barrier sa gitna ng daan ayusin niyo yan wala pa traffic light sira aanhin pa ang buwis kung simpleng pag papa ilaw lang di niyo pa kaya.”
Nice one Quirino highway. Walang ilaw sa kung saan ako bumunggo sa barrier. At wala din reflector ang mga barriers. Effective sa umaga sablay sa gabi. Lalo na pag umulan. Wasak ka Quirino Highway
Posted by Alex Vincent Medina on Tuesday, 21 March 2017
Sa huli niyang post nagpasalamat siya na ligtas pa rin siyang nakauwi at binalaan niya ang mga tao na mag-ingat kung dadaan sa Quirino Highway na tinawag niyang "highway to hell."
“Home at last. Its true what they say near death experiences can really change your outlook. Salamat sa lahat ng nag send ng well wishes. Salamat papa God sa tulong mo at salita. Dami ko na realize today na mightve changed something in me. Oh yeah and ingat kayo sa Quirino highway, literal na highway to hell.”
What to do what to do...mas mahal pa ang paayos kesa buying price neti... #pakdishit #pakquirinohighwayanditsfuckedupdarkobstacleroad
Posted by Alex Vincent Medina on Tuesday, 21 March 2017