
Congratulations, Rob and Jhane!
Engaged na ang baguhang aktor na Rob Moya sa kanyang nobyang si Jhane Santiaguel.
Two months pa lang ang relasyon ng dalawa ngunit kitang kita sa kanilang mga social media accounts kung gaano sila ka-sweet sa isa't isa.
Sa isang post sa kanyang Facebook account, ibinahagi ni Jhane ang litrato ng kanyang engagement ring, pati na ang cake at flowers na ibinigay sa kanya ni Rob.
Dating miyembro ng sexy girl group na Mocha Girls si Jhane.
Si Rob naman ay ang anak ng aktor na si Jovit Moya. Nagsimula ang kanyang showbiz career noong nakaraang taon nang magkaroon ng kontrata sa GMA Artist Center. Bago nito, nagtrabaho siya bilang isang model para sa isang apparel brand sa Japan.
Kasalukuyan siyang mapapanood gabi-gabi sa GMA Telebabad series na Juan Happy Love Story, kasama nina Dennis Trillo at Heart Evangelista.
MORE ON CELEBRITY ENGAGEMENTS:
Jake Castillo asks for Kaye Abad's hand in marriage