
Ang pagkakaroon ng kayumanggi o dark skin ay isa sa mga madalas husgahan o kantiyawan pagdating sa kagandahan.
Bago pa man sumikat ang self-love advocacy, maraming babae na ang nakaranas ng pang-aasar at pangmamaliit dahil lamang sa kanilang natural na kulay.
Isa na rito ang isang aktres na inamin sa isang panayam na naranasan niyang ma-bully noong siya'y bata pa.
"Hindi pa uso ang bully, na-bully na ako....They call me names: tikbalang, negra, ulikba," aniya.
Ngunit sa kabila ng masasakit na salita, hindi siya nagpadala dahil sa suporta at pagmamahal ng kanyang pamilya.
"Sabi ng lola ko,' 'Wag kang iiyak kasi totoo naman ang sinasabi nila.' Lumaki kasi ako sa pamilyang masayahin. 'Yung nag-ampon sa akin, meron akong 11 na tito. Ang humor nila pang lalaki," kuwento niya.
"'Pag umiiyak ako tapos dahil tinutukso nila akong negra sabi nila sa akin, 'Bakit? Hindi ba totoo?' Oo nga no. Ba't nga ba ako umiiyak? So 'yun 'yung mentality noon."
Dahil dito, natutunan ng actress-model na huwag magpaapekto sa pangungutya.
"Hindi ako nagkaroon ng anxiety. Hindi ako nagkaroon ng depression. Okay naman kami. Sa lahat ng pambu-bully okay naman ako."
Kahit umabot pa ang panghuhusga sa kanya sa modeling industry, nagpatuloy siya sa pagpupursige at ngayo'y isa nang matagumpay na businesswoman at aktres na patuloy na minamahal ang kanyang career at sarili.
Nahulaan niyo na ba kung sino? Kilalanin ang aktres dito sa gallery na ito: