GMA Logo Lolong
What's on TV

Adventure seryeng 'Lolong,' mula sa ideya ni Jessica Soho

By Marah Ruiz
Published June 2, 2021 2:48 PM PHT
Updated June 2, 2021 3:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Lolong


Nagmula sa isang ideya ng award-winning broadcast journalist na si Jessica Soho ang adventure series na 'Lolong.'

Isang ideya ni award-winning Kapuso broadcast journalist Jessica Soho ang nasa likod ng pagsisimula ng upcoming action adventure series sa Philippine primetime na Lolong.

Buhat daw ito sa mga lugar na napupuntahan at mga taong nakakahalubilo nila sa top-rating magazine program na Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS).

"The inspiration is from all the crocodile stories we follow on KMJS, even in far-away islands like Balabac in Palawan. Humans versus crocodiles! I thought it would be interesting to weave reality with fiction and come up with a riveting adventure drama on primetime TV. I'm also hoping that the story would help educate our viewers about these fascinating but feared creatures with whom we share our many rivers, lakes, and seas," pahayag ni Ms. Jessica na nagsisilbing host ng KMJS.

Lolong


Ang Lolong ay kuwento ng binatang si Lolong na may kakaibang abilidad na makipag-usap sa isang higanteng buwayang nagngangalang Dakila.

Si Kapuso actor Ruru Madrid ang gaganap sa title role ng upcoming action adventure series na ito.

"Ako po ay gaganap bilang si Lolong. Si Lolong po, lumaki na isang batang masayahin ngunit sa hindi inasaahang pagkakataon, ang kanyang mga magulang ay napasama po sa isang aksidente. Ang tingin po ng mga tao ay isa lamang po 'yung aksidente pero sa mata po ni lolong, sinadya po ang nangyari para po mawala ang kanyang mga magulang," paliwanag ni Ruru tungkol sa kanyang karakter.

"Si Lolong gusto niya ng simpleng buhay lang. Gusto lang niya makatulong sa Tiyo niya at Tiya niya dahil sa utang na loob. Ayaw niya sana ng mga bagay na kung ano ano. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, siya pala ay hindi pangkaraniwanng tao," dagdag pa niya.

Makakasama din ni Ruru sina Shaira Diaz at Arra San Agustin sa serye.

Huwag palampsin ang Lolong, ang dambuhalang adventure serye sa Philippine primetime, malapit na sa GMA Telebabad!