
Happily married si Aga Muhlach sa kanyang wife of 23 years na si Charlene Gonzales.
Nagkaroon sila ng kambal na anak na sina Andres at Atasha na parehong pinasok na rin ang pag-aartista. May anak din si Aga sa dating love team na si Janice De Belen na si Luigi na panganay ng mahusay na aktor.
Hindi man sa kanya lumaki si Luigi, may magandang relasyon si Aga sa kanyang anak kay Janice.
Sa panayam ni Ogie Diaz kay Aga sa kanyang YouTube channel na ini-release noong Martes, February 13, ikinuwento ng aktor ang kanilang dynamics sa pagiging blended family.
Bahagi ni Aga, "Everything is normal because we live normal lives sa bahay kasi 'pag marami kang trabaho talaga, the moment na pumasok ako ng pinto ng bahay, wala na 'yon, sarado na 'yon, wala talaga. Iba talaga, iba ang energy sa bahay."
Ayon pa kay Aga, on good terms silang lahat, maging si Charlene kay Janice at sa anak nilang si Luigi matapos nilang maiayos ang kanilang gusot noon
Patuloy ng batikang aktor, "Even relationships of mom and dad, brother-sister, Luigi-Charlene, even Janice-Charlene, me-Janice, 'di na kami nakakapag-usap because 'di naman namin kailangan magkuwentuhan pero kapag tumawag s'ya at tumawag ako, that can happen anytime. Walang issue 'yon.
"But Janice calls the house, siguro she wants to ask something, she will call kasi lahat naman no'ng mga problema noong '80s, naayos na namin lahat 'yan. That's what we try for us as we grow older is to fix what's broken because we cannot continue life and live life broken."
Panoorin ang bahagi ng panayam sa video na ito.
TINGNAN ANG IBA PANG INSPIRING CELEBRITY BLENDED FAMILIES SA GALLERY NA ITO: