
Ang aktor na si Aga Muhlach ay mayroong anak sa aktres at dati niyang partner na si Janice de Belen.
Siya si Luigi, ang naging bunga ng pag-iibigan noon nina Aga at Janice na kilala rin ng marami bilang si Igi Boy.
Kamakailan lang, naimbitahan ang ama ni Luigi sa vlog ni Ogie Diaz.
Sa naturang vlog, ilang seryosong bagay ang kanilang napag-usapan, kabilang na ang tungkol sa father-son relationship nina Aga at Luigi.
Sa gitna ng panayam, sinagot ni Aga ang tanong ni Ogie kung hindi ba nanghihingi ng financial support si Luigi mula sa kanya.
Sagot ng aktor, “Of course he did, oo marami na 'yan. Kaya lang, of course it has to stop.”
Pagbabahagi pa ni Aga, “It has to stop, kasi kaya ako natuto sa buhay, wala akong mahingian noon eh…”
Dagdag pa niya, “Kung may dumarating sa akin parati, bakit pa ako magtatrabaho?”
“Ngayon wala silang ganon, gawa ng paraan… nakaya naman.
Hindi sa ayaw kitang bigyan. Hindi ko naman puwedeng sabihin na wala akong pera 'di ba,” paliwanag pa ni Aga.
Bago ito, una nang ibinahagi ni Aga, “He has four kids, kailangan niyang magtrabaho talaga. Sinabi ko sa kanya, apat 'yang anak mo, ta-trabahuhin mo 'yan.”
Si Luigi ay isang accomplished chef, happily married kay Patty Muhlach, at mapagmahal na ama sa kanilang apat na anak.